Wednesday, January 2, 2013

Happy New Year!

Bago ang lahat, Merry Christmas and Happy New Year sa inyo! :)

Alam ko hindi na ko masyado masipag mag-GM sa mga contacts ko pero bumabati pa rin naman ako sa FB at sa mga nagtetext sa akin. Thank you at naalala niyo ko. :D

Anyway, feeling ko hindi kumpleto talaga ang holiday season ko. Why? Kasi hindi ko nakita 'yung mga friends ko noon. May Christmas eklaver nga, hindi naman ako nakasama. :( Nilagnat kasi ako nun eh. Friday super weak ako. Medyo um-okay nung Saturday, pero Saturday na kasi 'yung overnight. Di ko talaga keri pa. Family lang and si Hubby (nyehehe). Iniisip ko na nga lang na magkikita-kita rin kami next week.

Next week na 'yun diba? Ang Ilocos. Hehehe. Excited na ko. :D

Anyway, back to work na ko ulit. Pero heto at nagb-blog ako. Haha. Iniisip ko na namang mag-re..... Kaso ayaw ko pa masyadong i-feed dahil nakakailang buwan pa lang ulit ako. Niyahaha.

Wala bang perfect job? LOL. Most probably, wala. Pero I'm trying to find something that I want to be in, want to do, etc.

Sana mahanap ko ngayong taon. :D

'Yun lang, sumasakit na kasi 'yung likod ko. Emf. Hahaha.




Tuesday, October 16, 2012

Kelan Kaya?

Ayun, kakatapos lang ng board exam. At may mga kakilala na naman ako na naging CPA. Dumadami na sila, habang ako heto, ganun pa rin. Haay.

Kelan kaya ako magiging CPA. Gusto ko mag-enrol kaso mahirap magtrabaho habang nag-aaral eh. Gusto ko nakapokus lang ako para mag-top ako. Hahaha.

Pero kung makakakuha lang ako ng ticket (i.e. BSA course), alam ko papasa naman ako. Dalawang beses ko na kasi hindi makuha 'yung ticket. Nung una kasalanan ko naman talaga, 'yung pangalawa kasalanan ng sistema. Sa pangatlo kaya, makukuha ko na 'yung ticket?

Anyway, bagong work na nga pala ako. At mag-one month na ko dun. Grabe ang bilis. Feeling ko last week lang ako nag-umpisa. Okay naman ako dun. Nung una sinusungitan ako ni Employee#1 (yeah, ang employee number niya ay 0001), ngayon medyo hindi na. Hahaha. Ganun pala talaga siya, akala ko sa akin lang siya ganun. Emf.

Pero apat lang kami dun sa opisina. Hahaha. Nung una medyo nakakapanibago talaga, tapos hindi ko pa sila maintindihan pag naguusap. Pero nasasanay na rin ako, at mabait din naman sila. Masarap naman ang buhay ko run. HAHAHA. Madaming pagkain. :D

Pero gusto talaga maging CPA, kelan kaya?

Sunday, July 29, 2012

Random Thoughts on a Rainy Day. Again.

Namiss kong mag-blog. Namiss kong mag-post about random things. So...here I am.

Bakit tuwing rainy days, 'yung katawan mo tamad na tamad kumilos, pero 'yung utak mo kung saan-saan na napadpad? Kaya siguro maraming nalulungkot twing maulan. Kasi karamihan naman ng maiisip natin 'yung mga worries natin sa buhay.

Kung anung kakainin mo mamaya, saan ka kukuha ng pambili ng pagkain mo, kung papasok ka bukas, 'yung mga di mo natapos sa opis, 'yung mga di mo makasundo sa opis, kung ano nang nangyari dun sa sinusubaybayan mong palabas, kung anong ginagawa ng boypren/gelpren mo, kung anung papanoorin mo, sinong maglalaba ng damit mo kasi tinatamad ka...at marami pang iba.

Sa totoo lang, mababaw pa nga yan eh. Ang mga malalalim 'yung tipong magreresign ka ba o hindi, kung babalikan mo ba 'yung ex mo, bakit di ka pa nagkakaboypren/gelpren, may mali ba sa pagkatao mo, bakit hindi mangyari sa buhay mo 'yung gusto mong mangyari...at marami pang iba.

Iniisip ko palang kung anu-ano nakakapagod na eh. Pano pa kaya kung may pinaghuhugutan ka na.

Pero ganun siguro talaga pag tumatanda na tayo. Mas maraming iniisip. Kung minsan nga binabalikan ko nung high school, wala pa talaga kong iniisip nung mga panahon na yun. Papasok lang ako, at masaya naman pumasok kasi okay mga classmates ko. At masaya talaga.

Noong college naman, masaya rin. Actually mas masaya...nung mga bandang umpisa. Maraming kaibigan, libre kang pumasok o hindi. Kaso after noon, dun na nagumpisa 'yung totoong buhay. Na kailangan mong magkaron ng sarili mong buhay. Kailangan mong bigyan ng direksyon 'yung buhay mo, kung saan mo gusto mapunta.

Hindi ka pwedeng makigaya lang sa mga kaibigan mo o kaklase mo. Pwede mong sundin 'yung gusto ng magulang mo pero magiging masaya ka ba talaga? Pwede mong sundin 'yung gusto mo pero tama ba talaga? Maraming tanong eh, pero hindi mo sigurado kung tama 'yung sagot.

At ngayon nga, nagttrabaho na tayo, pero paminsan-minsan, o pwede rin madalas, iniisip mo pa rin kung masaya ka talaga at tama ba talaga 'yung naging desisyon mo.

Pero hindi pa rin natin masabi. Siguro nga malalaman mo lang 'yun kapag matanda ka na. 'Yung tipong ang gagawin mo na lang ay tingnan kung tama ba 'yung mga ginawa mo at kung masaya ka talaga. Eto kumbaga, 'yung retirement age. Antagal pa noon noh?

Siguro nga, wag na tayong magtanong, gumawa na lang tayo nang gumawa. Madali sabihin pero mahirap gawin.

---------------------------------------------------------------

Ang tagal na nung huling post ko dito sa blog na to. It has been two months. And that only means that I've been working for more than two months now.

Wow, time really flies by and fast.

So far, after two months--here are the happenings. LOL.

Talagang tahimik sa opisina na 'yun. Pero nasanay na ko. Madalas nga mas tahimik pa ko sa kanila, dahil tahimik naman talaga ako.

Medyo nag-improve naman 'yung pakikitungo nila saken. 'Yung Sr. Acctg. Sup. medyo pinapansin na niya ko, hindi niya na ko iniiwasan dahil sa pagpaparinig niya. LOL.

Pero ang ayoko lang talaga 'yung Sup ko. But don't get me wrong, she has her good and bad points.

I just don't like how insensitive she is. Noong may sakit ako, pinapapasok kami ng Sabado for filing lang naman. Sabi ko hindi ako sure kung makakapasok ako noon kasi masama talaga pakiramdam ko. Pinilit ko lang pumasok ng Friday na 'yun dahil maraming gagawin kasi collection day ng mga suppliers. In fact, nung Thursday before noon eh absent na ko.

And then she told me, "Bakit? Sabihin mo na lang kay Ms. J__." And what I really don't like was her tone. It was in between the not believing tone and the uncaring tone. Actually, obvious na obvious na na may sakit ako nun 'yung boses ko, tas nanghihina talaga ko. Ano siya, manhid at bulag?

There was also that incident when I had my period. That was around 1130AM and I told her na bababa ako para bumili ng pad kasi wala akong dala. Ang sagot ba naman sakin, "Hindi ko sure kung pwede bumaba eh."

I mean, what the fuck. That was an emergency situation. Kahit nga high school student papayagan ng teacher bumaba kapag ganun.

So I was stopped on my tracks pababa ng building. Tinanong niya 'yung kasama namin kung meron extra, good thing meron siya. Hindi naman kasi makapal ang feslak ko para manghingi ng ganun sa bagong kilala ko pa lang. And sorry to say, I don't easily warm up with people.

But onto her good points, masipag naman siya, though I think wala na siyang social life kaka-OT niya. But I guess, she's happy with that. I think she's an achiever by nature, kaya ganun. And I'm like past the stage when I show off how good I am. LOLJK. But seriously, I think she's trying too hard to show off to the higher ups.

Hindi rin siya palautos. I mean, kapag kaya niyang gawin, ginagawa niya. Tapos minsan pag busy ako siya rin sumasagot sa mga tawag. And that's cool.

Anyway, 'yun lang. Siya tuloy napagtrip-an kong ianalyze dito sa blog ko. Hahaha. Sorry naman. Amf.

Pero on a serious note, feeling ko kaya ko naman magtagal dito sa company na 'to, but I won't be that really happy. Kaya ko naman kasi 'yung trabaho to the point na parang chumacharot lang ako. Okay lang din saken maging tahimik araw-araw, pero I want to feel like I belong to a team. Or probably have a good friend or two.

Kasi kung ganito lang rin, mas okay na saken magwork na lang via oDesk. Hahaha.

Mas gusto ko rin 'yung pinoproblema ko 'yung trabaho ko kesa sa mga kasama ko sa trabaho...kaya I'm not sure when I'll resign. Kung magpapa-endo pa ako or magreresign ako kagad. Hmmmm.